Advocacy Group, nakiisa sa pagdiriwang ng Earth Day

Aktibong nakiisa ang mga miyembro ng Advocacy Group sa pagdiriwang ng Earth Day sa pamamagitan ng Clean-Up Drive na ginanap sa Abatan River, Salvador Cortes, Bohol noong ika- 22 ng Abril 2024.

Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ng Tourist Pulis, Bohol Police Provincial Office, sa pamumuno ni Police Major Cresente A Gurrea, katuwang ang mga miyembro ng Advocacy Group.

Layunin ng aktibidad na ito na mapanatili ang kalinisan habang pinapabuti ang pamamahala ng basura, na nagbibigay ng kamalayan at inspirasyon sa komunidad upang protektahan ang kalikasan habang patuloy na hinihikayat ng gobyerno ang lahat na gawin ang kanilang bahagi at maging responsable para sa kapakinabangan ng mga susunod na henerasyon.

Nagpapakita ang aktibidad na ito ng pagtutulungan ng bawat ahensya ng gobyerno at komunidad upang pangalagaan ang kalikasan. Sa pamamagitan ng ganitong mga gawain, ito ay nagsisilbing inspirasyon sa ating mga kababayan na maging bahagi ng solusyon sa mga hamon sa kapaligiran tungo sa Bagong Pilipinas.

Source: Tourist Pulis, BPPO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *