KKDAT, nakilahok sa Clean-up Drive

Nakilahok ang mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo sa isinagawang Clean-up Drive na ginanap sa Barangay 04 Poblacion, Taft, Eastern Samar nito lamang ika-21 ng Abril 2024.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng mga Sangguniang Kabataan Council ng Barangay 04 Poblacion, Eastern Samar kasama ang mga Eastern Samar State University Criminology Intern at mga tauhan ng Taft Municipal Police Station.

Layunin ng aktibidad na itaguyod ang pagbabawas at pag-recycle ng basura, mapataas ang kamalayan ng publiko sa pamamahala ng basura at pangangalaga sa kalikasan at alisin ang mga kalat sa mga daluyan ng tubig.

Ang pagtutulungan ng grupo ay daan upang unti-unting maitaguyod at mapatatag ang relasyon ng gobyerno at komunidad tungo sa Bagong Pilipinas.

Source: https://www.facebook.com/share/p/yHT4dAtAiz2efoPo/?mibextid=xfxF2ic.

Panulat ni Marielle Dulnuan

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *