Advocacy Support Group at Force Multipliers, nakilahok sa Information Operation
Aktibong nakilahok ang mga miyembro ng Advocacy Support Group at Force Multipliers sa information operation tungkol sa Anti-Terrorism, NTF-ELCAC, at CATA sa Purok 8, Basketball Court, Barangay Camputhaw, Cebu City noong ika-23 ng Abril 2024.
Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ng Abellana Police Station sa pamumuno ni Police Major Alfred Puazo Leanza, Station Commander, kasama ang City Community Affairs and Development Unit.
Sa pamamagitan ng pagbibigay ng wastong impormasyon, koordinasyon, at suporta, ang PNP ay may mahalagang gampanin sa pagpapalakas ng kakayahan ng komunidad upang labanan ang mga banta sa seguridad.
Ang aktibidad ay naglalayong magtagumpay sa misyon ng paglaban sa Terorismo, NTF-ELCAC, at CATA sa pamamagitan ng pagtutulungan at pagkakaisa ng lahat ng sektor ng lipunan.
Sa pamamagitan ng mga ganitong hakbang, pinapalakas ang ugnayan at koordinasyon sa pagitan ng mga grupo ng Advocacy Support Group, Force Multiplier at ng mga mamamayan, na naglalayong palakasin ang seguridad at pagkakaisa sa komunidad.
Source: Abellana Police Station, CCPO