Advocacy Support Group, nakilahok sa Feeding Program

Aktibong nakilahok ang mga miyembro ng Advocacy Support Group sa isinagawang feeding program sa Ponong Pequeño Day Care Center, Barangay Ponong Pequeño, Dueñas, Iloilo nito lamang ika-23 ng Abril 2024.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng Dueñas Municipal Police Station katuwang ang Salaam Police Advocacy Support Group, Municipal Advisory Group for Police Transformation and Development Municipal Advisory Group for Police Transformation (MAG-PTD) at mga guro ng nasabing paaralan.

Nakatanggap ang mga benepisyaryo ng libreng meryenda na kanila namang pinagpapasalamat na makakatulong na mapanatili ang kanilang maayos na kalusugan.

Layunin ng grupo na maipadama sa mga kabataan ang kanilang malasakit sa pamamagitan ng pagbibigay ng masustansyang pagkain na magpapalakas sa kanilang pangangatawan at magbibigay ng inspirasyon sa kanila na ipagpatuloy ang pag-aaral at pag-unlad.

Source: Dueñas Municipal Police Station

Panulat ni Julius

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *