Philippine Red Cross, nagsagawa ng Bloodletting Activity
Aktibong nilahukan ng Philippine National Police ang isinagawang Bloodletting Activity ng Philippine Red Cross Sultan Kudarat na ginanap sa Barangay Poblacion, Tacurong City, Sultan Kudarat nitong ika-15 ng Mayo 2024.
Ang aktibidad na ito ay pinangunahan ng Philippine Red Cross Sultan Kudarat na inorganisa ng pamunuan ng Barangay Poblacion, Tacurong City katuwang ang Sultan Kudarat Provincial Mobile Force Company PRO 12 sa pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Niel Sally Wadingan, Force Commander at iba pang mga kapulisan.
Ang aktibidad ay may tinatayang dalawang daang (200) boluntaryong donors ang matagumpay na nakapasa sa proseso ng screening at nakamit ang mga pamantayan sa kwalipikasyon na itinakda ng Philippine Red Cross.
Layunin ng programang ito na makapagbigay ng dugo sa ating mga kababayang may sakit na lubos na nangangailangan.
Ang PNP ay patuloy sa mga ganitong programa upang maipakita ang tunay na malasakit, at pagmamahal sa kapwa alinsunod sa adhikain ng ating Pangulong Bongbong Marcos Jr para sa “Bagong Pilipinas”.
Panulat ni Toleme