BPATs ng Barangay Caanawan, nakilahok sa Talakayan

Aktibong nakilahok ang mga miyembro ng BPATs ng Barangay Caanawan sa isinagawang talakayan ng mga tauhan ng 2nd Provincial Mobile Force Company ng Nueva Ecija PNP sa Barangay Caanawan, San Jose City, Nueva Ecija nito lamang Miyerkules, ika-15 ng Mayo 2024.

Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Captain Richqrd Fernando, Assistant Force Commander ng nasabing yunit.

Nagbigay kaalaman ang pulisya tungkol sa Crime Prevention at Anti-illegal drugs o ang programang “Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan” (BIDA).

Kabilang din sa tinalakay ang tungkol sa mga adbokasiya ng nasabing yunit. Labis ang pasasalamat ng mga kalahok sa mga kaalaman na kanilang natutunan dahil malaking tulong ito sa kanila upang maiwasan ang pagiging biktima ng anumang uri ng krimen.

Layunin ng aktibidad na ito na madagdagan ang kamalayan ng mga mamamayan tungkol sa mga batas, bilang pagtugon sa mga programa ng pamahalaan na naglalayong mapaigting ang seguridad ng bawat mamamayan at mapanatili ang pagkakaisa ng bawat Pilipino.

Panulat ni Lixen Reyz A Saweran

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *