KKDAT Nueva Vizcaya, nakiisa sa Tree Planting Activity

Muling nakiisa ang mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT) ng Nueva Vizcaya sa isinagawang Tree Planting Activity sa Barangay Rosario Diadi, Nueva Vizcaya nito lamang ika-19 ng Mayo 2024.

Katuwang ng grupo sa aktibidad ang mga tauhan ng 2nd Maneuver Platoon 1st Nueva Vizcaya Provincial Mobile Force Company sa pangunguna ni Police Captain Darryl G Marquez, Platoon Leader at mga opisyales ng nasabing lugar.

Bahagi ng adbokasiya ng KKDAT na magbigay ng positibong kontribusyon sa komunidad at sa kalikasan at umaayon sa PNP Core Value na “MAKAKALIKASAN,” na nagbibigay-diin sa responsibilidad bilang mga tagapangasiwa ng kapaligiran.

Ang Kabataan Kontra Droga at Terorismo katuwang ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno ay patuloy na maghahatid ng makabuluhang serbisyo tungo sa maunlad na lipunan.

Source : NVPMFC PPO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *