BPATs at mga residente, nakilahok sa talakayan ng RPCADU 3
Aktibong nakilahok ang mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs) at mga residente sa isinagawang talakayan ng mga tauhan ng Regional Police Community Affairs and Development Unit 3 na ginanap sa Barangay Sulipan, Apalit, Pampanga nito lamang Linggo, ika-26 ng Mayo 2024.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni PLt Joey D San Esteban, OIC CAS/ICDS, RPCADU 3 sa ilalim ng pamumuno ni PLtCol Alex M Apolonio, OIC, RPCADU 3.
Nagbigay kaalaman ang pulisya tungkol sa pagpapanatili ng Peace and Order, PNP Plan and Programs at mga adbokasiya ng RPCADU.
Kabilang din sa tinalakay ang tungkol sa kampanya kontra ilegal na droga at kriminalidad.
Layunin ng aktibidad na ito na magbigay ng sapat na kaalaman at kamalayan sa mga mamamayan tungkol sa mga batas, bilang pagtugon sa mga programa ng pamahalaan na naglalayong mapaigting ang seguridad at kaligtasan ng bawat mamamayan.