BPATs, nakiisa sa Area Security sa padisco ng Barangay Villa Undayon

Nakiisa ang Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs) sa isinagawang Law Enforcement sa pamamagitan ng Area Security ng R-PSB Cadres sa panahon ng padisco kaugnay ng tatlong (3) araw na pagdiriwang ng Fiesta sa barangay ng Villa Undayon, Bayugan, Agusan del Sur noong Mayo 25, 2024.

Sa tatlong araw na pagdiriwang, walang naitalang malalaking insidente ng kaguluhan dahil sa maagap na pagresponde ng mga BPATs at ng kapulisan.

Layunin ng aktibidad na mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa buong barangay habang ipinagdiriwang ang pista, at upang masiguro ang kaligtasan ng mga residente at bisita.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *