Libreng serbisyo publiko, isinagawa sa Malita, Davao Occidental
Naghandog ng libreng serbisyo publiko tulad ng libreng HIV Test at check-up ang munisipyo ng Malita, Davao Occidental kasabay ang Satellite COMELEC Registration nito lamang Mayo 25, taong kasalukuyan.
Ang naturang aktibidad ay isinagawa sa Barangay Hall ng Barangay Culaman kung saan ay nakiisa ang Philippine Army, 1st Davao Occidental Mobile Force Company at Davao Occidental Police Community Affairs and Development Unit na naghandog ng area security at nagpacheck-up na rin.
Ang Davao Occidental Police Provincial Office sa pamumuno ni Provincial Director Police Colonel Epe A Rillo ay patuloy na sumusuporta sa programa ng gobyerno na may layuning makamit ang maunlad at mapayapang pamumuhay.