BPATs nagsagawa ng Security Assistance sa 56th Adlaw Nan Alegria
Nagsagawa ng security assistance ang Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs) kasama ang Alegria Municipal Police Station sa pagdiriwang ng ika-56 na “Adlaw nan Alegria”/Kabibo Festival 2024 sa Gamuton, Alegria, Surigao del Norte mula Hunyo 10-16, 2024.
Ang isang linggong pagdiriwang ng kapistahan ay matagumpay na nagtapos na puno ng kulay, kasiyahan, at kapayapaan, sa tulong ng masigasig na suporta mula sa BPATs at Alegria PNP na nagpapatunay na sa kabila ng anumang hamon, ang pagkakaisa at pagtutulungan ay susi sa isang payapa at maunlad na komunidad.
Patuloy na magsusumikap ang mga alagad ng batas kasama ang mga BPATs na mapanatili ang kaayusan at kaligtasan sa bayan.