KKDAT Mt. Province, nakiisa sa Tree Planting Activity

Nakikiisa ang mga miyembro ng Kabataan Konta Droga at Terorismo- Bauko, Bontoc, at Sabangan Chapter sa isinagawang tree planting activity sa Upper Boundary Sinto at Bauko, Mountain Province nito lamang ika-15 ng Hunyo 2024.

Ang aktibidad ay pinasimulan ng mga kawani ng Sangguniang Kabataan at barangay officials ng Bauko Mt. Province katuwang ang mga tauhan ng Bauko Municipal Police Station, Regional Mobile Force Battalion 15, mga volunteers at sa pakikipag-ugnayan sa Provincial at Municipal Environment and Natural Resources Office.

Matagumpay na nakapagtanim ng 1,000 pine tree seedlings ang mga kalahok sa nasabing lugar.

Ang aktibidad ay naglalayong itaas ang kamalayan ng mamamayan sa kahalagahan ng reforestation para sa mas malinis at mas malagong kapaligiran para sa susunod na henerasyon.

Ito rin ay nagpapakita ng kooperasyon at pagkakaisa sa pagitan ng iba’t ibang antas ng gobyerno maging ang mga komunidad at mga kabataan para sa nag-isang layunin para sa mas ligtas at progresibong komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *