BPATs, nakiisa sa Tree Planting Activity

Nakiisa ang mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Team sa isinagawang Tree Planting Activity sa Sitio Caotit, Barangay Guinzadan Central, Bauko, Mountain Province nito lamang ika-22 ng Hunyo 2024.

Katuwang sa nasabing aktibidad ang mga tauhan ng Mountain Province Police Provincial Office, 1st Mountain Province PMFC, Bauko Municipal Police Station, 1502nd Maneuver Company ng RMFB 15 at mga opisyal ng nasabing lugar.

Matagumpay na nakapagtanim ang mga grupo ng 1,000 piraso ng pine tree seedlings.

Ang aktibidad ay naglalayong palawakin ang kamalayan at ugnayan sa bawat miyembro ng komunidad sa adbokasiyang nagtataguyod sa pangangalaga sa kapaligiran.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *