ELCAC Service Caravan, naisagawa sa Zamboanga del Sur
Naisagawa ang Outreach Program ELCAC SERVICE through Project H.E.L.P CARAVAN na may temang “CONVERGENCE” sa Barangay Dapiwak, Dumingag, Zamboanga del Sur nito lamang ika-22 ng Hunyo 2024.
Ang aktibidad ay may kaugnayan sa isasagawang Community Visitation at Community Engagement na pinangunahan ng Zamboanga del Sur 1st Provincial Mobile Force Company sa pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Jason M Apana, Force Commander, kasama ang Team 3, PCADC Class 2024-003, Dumingag MPS, Dumingag LGU sa pamumuno ni Mayor Gerry T Paglinawan, Bravo Coy, 53rd IB, 1ID, PA, National Intelligence Coordinating Agency 9, TESDA at iba’t iba pang stakeholders.
Ang nasabing barangay ay kabilang sa Geographical Isolated Disadvantage Areas (GIDAs) kaya isa ito sa mga naging konsiderasyon kung bakit napili ang nasabing barangay na mabigyan ng munting regalo.
Nagkaroon ng serbisyong dental at medical, kung saan namigay ng libreng bitamina, gamot at oral hygiene kits, pamamahagi rin ng school supplies, tsinelas para sa mga bata, turnover ng dragon fruit at cacao seedlings, libreng gupit sa mga residente, libreng tuli hatid ng Zamboanga del Sur Medical and Dental Team, RMDU9, at pamimigay ng mga food packs, grocery, bigas na labis na ikinatuwa ng mga benepisyaryo.
Dagdag pa rito, nagkaroon rin ng pagtalakay hingil sa End Local Communist Armed Conflict; Family Planning; Vocational Skills; Violence Against Women and their Children; Dangers on the use of Illegal Drugs; at Oral Hygiene.
Layunin ng aktibidad na maipabatid sa mga residente na patuloy ang paghahanap ng paraan ng ating mga kapulisan kaakibat ang mga programa ng pamahalaan upang makapaghatid ng tulong malayo man o malapit tungo sa mas ligtas, masaya, at maunlad na Bagong Pilipinas.