Advocacy Support Group, nagsagawa ng Tree Planting Activity

Pinangunahan ng Advocacy Support Group ang isinagawang tree planting activity sa Barangay Iba Taal, Batangas. nito lamang ika-25 ng Hunyo 2024.

Aktibong nakiisa sa nasabing aktibidad ang mga miyembro ng BFP Taal, Barangay Advocacy Group na pinamumunuan ni Hon. Jeffrey Gumapac , KKDAT members kasama ang mga personahe ng Taal MPS sa pamumuno ni PCpt Rommel P Magno.

Nasa humigit kumulang na 300 na puno ang naitanim ng naturang grupo sa nasabing lugar.

Layunin ng aktibidad na ito na pangalagaan ang inang kalikasan sa pamamagitan ng pagtatanim ng mga puno para sa susunod na henerasyon at nakatuon sa layunin nitong mabigyan ng mas ligtas na lugar ang komunidad at publiko.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *