Advocacy Support Group ng San Juan City, nakiisa sa Promotion Bike Ride

Masiglang nakiisa ang mga Advocacy Support Groups ng San Juan City sa isinagawang Promotion Bike Ride na ginanap sa harap ng San Juan City Hall, Pinaglabanan Street, Barangay Corazon de Jesus, San Juan City nito lamang umaga ng Sabado, Hunyo 22, 2024.
Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ng mga tauhan ng San Juan City Police Station at ng United San Juaneños Cycling Community katuwang ang Lokal na Pamahalaan ng San Juan sa pangangasiwa ni Dra. Mitzi A. Tanchoco sa ilalim ng pamumuno ni Hon. Francis Zamora, City Mayor.

Ang Promotional Bike Ride re: Launching of Active Transport, a Health Promotion Program, isang programa ng San Juan LGU sa pagtatatag ng protektadong active transport lane at walking path upang isulong ang pagbibisikleta, paglalakad at iba pang anyo ng aktibong transportasyon bilang isang mahusay na paraan ng pagtaas ng pisikal na aktibidad para maiwasan ang iba pang non-communicable disease (NCDs) habang nakikibahagi sa pagwawakas sa stigma ng sakit na HIV/AIDS.
Ang nasabing aktibidad ay sinundan ng lecture tungkol sa Traffic Rules and Regulations na pinamagatang: “Kalsadang Ligtas para sa Healthy Pilipinas” na nangangahulugang isulong ang edukasyon sa kaligtasan sa kalsada para sa mga commuters, bikers, vehicle drivers, o transport workforce mula 8:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali.
Layunin nitong isulong ang isang “Healthy Pilipinas” sa pamamagitan ng partnership ng Local Government and Advocacy Support Groups bilang advocates for HIV/AIDS awareness upang bigyang kaalaman ang ating mga kababayan upang maiwasan ang anumang uri ng karamdaman.