BPATs, nakiisa sa Tree Planting Activity

Nakiisa ang mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Teams sa isinagawang Tree Planting Activity sa Bañacao, Bangued, Abra noong ika-30 ng Hunyo 2024.

Katuwang sa nasabing aktibidad ang mga tauhan ng 1st Abra Provincial Mobile Force Company, 24th Infantry Batallion at mga volunteers.

Matagumpay na nakapagtanim ang grupo ng 30 mahogany at 70 giant bamboo tree saplings.

Layunin ng aktibidad na matugunan ang patuloy na pagbabago sa klima at isulong ang kaligtasan ng kalikasan at mamamayan tungo sa isang mas maunlad na Bagong Pilipinas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *