Mental Health Awareness and Road Safety Awareness, tinalakay sa mga BHW at BPATs

0
819012141_1124900153516565_8199091631486900761_n

Tinalakay ang Mental Health Awareness at Road Safety Awareness para sa mga Barangay Health Workers (BHW) at Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs) na nakatalaga sa Barangay Malibago, Saint Bernard, Southern Leyte nito lamang Martes, Setyembre 22, 2026.

Layunin ng talakayan na mapalawak ang kanilang kaalaman at kamalayan tungkol sa kahalagahan ng pangangalaga sa kalusugang pangkaisipan at pagpapanatili ng kaligtasan sa kalsada mula sa mga resource speaker na sina Ms. Jeralin Cahulogan (NDP); Ms Irma Joyce De Guzman (RHMPP) at PSGG Jelyn P. Aure.

Sa bahagi ng Mental Health Awareness, tinalakay ang kahalagahan ng pagkilala sa mga nararanasang emosyon, stress, at iba pang suliraning maaaring makaapekto sa kalusugang pangkaisipan. Binigyang-diin ang kahalagahan ng pakikinig, pag-unawa, pagbibigay ng suporta, at tamang pagre-refer sa mga indibidwal na nangangailangan ng karagdagang tulong o serbisyo. Bilang mga BHW at BPATs na malapit sa komunidad, mahalaga ang kanilang papel sa pagbibigay ng paunang suporta at pag-uugnay sa mga nangangailangan ng angkop na serbisyo.

Tinalakay rin ang Road Safety Awareness, kung saan binigyang-diin ang responsableng paggamit ng kalsada at pagsunod sa mga batas at alituntunin sa trapiko. Kabilang dito ang wastong paggamit ng pedestrian lane, pagsusuot ng helmet at seat belt, pag-iwas sa paggamit ng cellphone habang nagmamaneho, at pagiging maingat bilang pedestrian, siklista, motorista, at pasahero.

Sa pamamagitan ng talakayang ito, inaasahang magiging mas handa at responsable ang mga BHW at BPATs sa pagtugon sa mga usaping may kinalaman sa kalusugang pangkaisipan at kaligtasan sa kalsada. Ang kanilang kaalaman at aktibong pakikilahok ay makatutulong sa pagpapalakas ng kamalayan at pagtataguyod ng mas ligtas, malusog, at maayos na pamayanan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *