KKDAT at BPATs, nakiisa sa Coastal Clean-up Drive
Nakiisa ang Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT) at Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs) sa isinagawang Coastal Clean-up Drive bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Disaster Resilience Month na ginanap sa Coastal Area, Barangay Wakat, Barobo, Surigao del Sur noong Hulyo 5, 2024.
Ang nasabing clean-up drive ay pinangunahan ng LGU-Barobo sa pamumuno ni Hon. Joey S. Pama, Municipal Mayor, kasama ang iba’t ibang mga ahensya tulad ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office, MENRO, 1301st MC, RMFB 13, 1st SDS PMFC, BFP, Coast Guard, BLGU-Wakat, at Supreme Student Learners Government (SSLG) ng BNHS, pati na ang stakeholders.
Ito ay bahagi ng pagsusumikap na mapalakas ang pagtutulungan ng iba’t ibang sektor ng lipunan upang mapanatili ang kalinisan at kaayusan ng ating mga baybaying-dagat at mapalakas ang kamalayan sa kahalagahan ng kalinisan ng kapaligiran.