Medical Outreach Program, nilahukan ng BPATs

Nakiisa sa isinagawang Medical Outreach Program ang Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs) na ginanap sa Barangay Seven Hills, Maasim, Sarangani Province nito lamang Hulyo 3, 2024.

Ang naturang aktibidad ay mula sa inisyatibo ng LGU Maasim sa pamumuno ni Hon Mayor Zyrex C Pacquiao at Gobernador Rogelio “Ruel” D Pacquiao, at Department of Social Welfare and Development (DSWD)-Region XII sa Ronda Probinsya Sarangani team kasama ang PNP Revitalized Kasimbayanan, Police Lieutenant Ruben B Managdal, DCOP for Administration sa ilalim ng pangangasiwa ni Police Major Herman J Luna, Chief of Police.

Naging matagumpay ang aktibidad na nakapagbigay serbisyo tulad ng pagbibigay ng libreng gamot at check-up.

Ang aktibidad ay nagpapatunay lamang sa tunay na malasakit sa ating mga kababayang lubos na nangangailangan at isa din itong paraan upang mas lalo pang pagtibayin ang relasyon sa pagitan ng komunidad at PNP para sa isang Bagong Pilipinas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *