Clean-up Drive, isinagawa sa Lanao del Sur

Matagumpay na isinagawa ang Clean-up Drive sa Barangay Cabingan, Marawi City, Lanao del Sur nito lamang ika-4 ng Hulyo 2024.

Naging matagumpay ang naturang aktibidad dahil sa pagtutulungan ng mga Barangay Local Government Unit ng Cabingan, LGU Marawi City katuwang ang MMA Construction Firm, Lanao del Sur PNP, 500th Combat Engineer Battalion, 55th Engineer Brigade, Philippine Army, Bureau of Fire Protection – Marawi City.

Ito ay naglalayong mapanatili ang kalinisan ng kapaligiran, maiwasan ang polusyon, mapangalagaan ang kalusugan ng mga residente, at magbigay ng edukasyon sa tamang pagtatapon ng basura.

Ang ganitong uri ng aktibidad ay isang paraan ng mamamayan katuwang ang iba pang ahensya ng pamahalaan na panatilihing masigla at malinis ang kalikasan alinsunod sa PNP Core Values na “Makakalikasan”.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *