Security Assistance, ipinamalas ng Bacuag BPATS

Ipinamalas ng Bacuag Barangay Peace-keeping Action Teams (BPATs) ang pagpapanatili ng kaayusan at katahimikan katuwang ang mga personahe ng Bacuag Municipal Police Station sa ikinasang Security Assistance para sa awarding night at disco sa 5th Looc Youth Organization Founding Anniversary Celebration na ginanap sa Covered Court, Sitio Looc, Barangay Dugsangon, Bacuag, Surigao del Norte noong Hulyo 7, 2024 bandang 9:00 ng gabi.

Layunin ng PNP at BPATs na patuloy na mapabuti ang serbisyo sa komunidad at mapanatili ang isang ligtas na kapaligiran para sa lahat.

Ang aktibong pakikilahok ng mga BPATs ay isang halimbawa ng malapit na kooperasyon sa pagitan ng mga awtoridad at komunidad upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa lugar.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *