KKDAT, nakiisa sa Drug Symposium sa Zamboanga Sibugay

Nakiisa ang mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo sa isinagawang Drug Symposium sa Barangay Balogo, Payao, Zamboanga Sibugay nito lamang Hulyo 8, 2024.

Ang aktibidad ay inisyatibo ng mga tauhan ng Payao Municipal Police Station sa pangunguna ni Police Captain Herbert V Palicte, Officer-In-Charge ng Payao MPS, katuwang ang mga SK member sa pangunguna ni Ms. Leizel Jean Tolinto, SK Chairwoman.

Ang aktibidad ay naglalayong palakasin ang pagtutulungan at kooperasyon sa pagitan ng Lokal na Pamahalaan ng Barangay Balogo, Sangguniang Kabataan at iba pang kinauukulang ahensya upang labanan ang ilegal na droga at kriminalidad sa bayan ng Zamboanga Sibugay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *