Barangay-based Support Group, lumahok sa Oplan Galugad sa Maynila
Aktibong nakilahok ang Barangay-Based Support Group sa isinagawang Oplan Galugad sa Barangay 867, Pandacan, Manila nito lamang gabi ng Martes, Hulyo 16, 2024.
Ang pagpapatrolya ay pinangunahan ng mga tauhan ng Pandacan Police Station 10 ng Manila Police District na puspusan sa pagtupad ng tungkulin para sa kapakanan ng ating mga kababayan.
Naglalayon din ito na turuan at ipaalam sa publiko ang mga ordinansa ng lungsod ng Maynila at iba pang mga ipinagbabawal para maiwasan ang mga krimen at mapanatili ang kapayapaan sa komunidad.