Brigada Eskwela sa Maa Central Elementary School, sinimulan na

Matagumpay ang isinagawang Kick off Ceremony ng Brigada Eskwela sa Maa Central Elementary School sa Davao City nito lamang ika-22 ng Hulyo, 2024.

Ang naturang aktibidad ay may temang “Bayanihan Para Sa Matatag na Paaralan” ay magtatapos nitong nalalapit na Sabado, ika-27 ng Hulyo na aktibo namang sinuportahan ng Maa Police Station mula sa paglilinis hanggang sa pagpapanday.

Hangarin ng pagkakaisa na ito na palakasin ang samahan sa pagitan ng Pambansang Pulisya at DepEd sa pamamagitan ng pagbibigay ng tulong upang matiyak ang maayos na pagbubukas ng klase ngayong taon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *