BPATs, sumailalim sa pagsasanay

Aktibong lumahok ang Barangay Peacekeeping Action Team ng Barangay Bantay sa isang pagsasanay na isinagawa ng mga tauhan ng Regional Mobile Force Battalion 15 sa Barangay Bantay, Tabuk City, Kalinga nito lamang ika-9 ng Setyembre 2024.

Pinangunahan ng 1503rd Maneuver Company ng RMFB15 ang aktibidad katuwang ang barangay officials ng nasabing lugar. Tampok sa aktibidad ang makabuluhang talakayan at pagsasagawa ng iba’t ibang paraan paano supilin at posasan ang isang inaarestong tao.

Sumailalim din ang mga kalahok sa pagsasanay ng mga batayang hampas at teknik sa paggamit ng arnis o baton.

Ang nasabing aktibidad ay naglalayong madagdagan ang kaalaman at malinang pa ang kakayahan ng mga mga kalahok na nagsisilbing kasangga ng Pambansang Pulisya sa pagsugpo sa mga krimen sa barangay at pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan sa kanilang nasasakupan alinsunod sa adhikain ng pamahalaan na mapabuti ang estado ng bansa tungo sa Bagong Pilipinas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *