KKDAT- Tabuk City Chapter, nakiisa sa Kick-off Activity at KALAHI-CIDSS Cash for Work Program Payouts

Nakiisa ang mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo-Tabuk City Chapter sa isinagawang Kick-off Activity at KALAHI-CIDSS Cash for Work Program Payouts sa Kalinga State University Gymnasium, Bulanao Campus, Tabuk City, Kalinga, nito lamang ika-10 ng Setyembre, 2024.

Ang aktibidad ay pinasimulan ng Kalinga Police Provincial Office, katuwang ang mga opisyales at miyembro ng LGU, mga miyembro ng KALAHI-CIDSS, at Kabataan Kontra Droga At Terorismo- Tabuk City Chapter.

Matagumpay na nakapagbahagi ng pinansyal na suporta sa maikling pagkakataon sa mga indibidwal na mahihirap sa ekonomiya particular ang mga kabataan at mag-aaral na kabilang sa pamilyang walang gaanong kakayahan sa pinansyal. Pinahusay din ng programang ito ang ugnayan sa pagitan ng mga prayoridad ng komunidad, edukasyon at mga programa sa pagpapaunlad ng lokal na pamahalaan, at ginamit ang mga pamumuhunan sa isang malinaw na paraan upang itaguyod ang higit na pananagutan at bawasan ang kahirapan.

Ang nasabing aktibidad ay layuning hikayatin ang mga mag-aaral at kabataan na aktibong sasali sa komunidad at paaralan sa pagproseso mula simula hanggang katapusan ng programa ng nasabing organisasyon at pagkakataong lumahok sa paggawa ng mga pangunahing desisyon sa pagpapaunlad para sa paaralan at buong lipunan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *