Force Multipliers, nakiisa sa Police Visibility at Foot Patrol sa Eastern Samar

Nakiisa ang mga miyembro ng Force Multipliers sa isinagawang police visibility at foot patrol sa Brgy. 04, Taft, Eastern Samar nito lamang Setyembre 12, 2024.

Pinangunahan ito ng mga tauhan ng Taft Municipal Police Station katuwang ang mga miyembro ng Barangay Tanods sa pamumuno ni Hon. Stella Maris E. Libanan, Punong Barangay.

Binigyang-diin ng pulisya ang mahalagang papel ng Force Multipliers sa lugar ng responsibilidad nito habang nagbibigay sila ng karagdagang workforce at lakas sa mga nagpapatupad ng batas ng sa gayon ay nadaragdagan ang kakayahan nito sa pagpigil sa mga krimen sa lansangan.

Sa gawaing ito ay mas naiiwasan ang paglaganap ng krimen at matiyak ang kaligtasan at seguridad ng bawat isa kanilang nasasakupan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *