Mag-aaral ng Atop-Atop Elementary School, nakiisa Symposium Activity sa Cebu
Nakiisa ang mga mag-aaral ng Atop-Atop Elementary School sa isinagawang Symposium Activity sa Madridejos, Bantayan, Cebu noong ika-11 ng Setyembre 2024.
Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ng Bantayan Municipal Police Station sa pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Narciso C. Abapo, OIC.
Layunin ng aktibidad na maiparating ang mga mahahalagang impormasyon patungkol sa batas at kaligtasan para sa mga mag-aaral. Tinalakay dito ang paksa ukol sa Anti-Bastos Law, Anti-Rape Law (RA 8353), Anti-Illegal Drugs, Anti-Bullying Act, at mga crime prevention tips Ang ganitong mga aktibidad ay hindi lamang para magbigay ng kaalaman, kundi upang hikayatin ang mga kabataan na maging mapagmatyag at responsable sa kanilang komunidad.
Sa pamamagitan ng aktibidad na ito, makikita ang pangako ng gobyerno na ang lahat ay hinihikayat na makiisa sa adhikain ng Bagong Pilipinas—isang mas ligtas, disiplinado, at responsableng bansa para sa lahat.