Force Multiplier, nakilahok sa Culminating Ceremony ng 30th National Crime Prevention week sa Negros Occidental

Nakiisa ang mga force multipliers sa isinagawang Culminating Ceremony ng Ika-30 na National Crime Prevention Week na may temang “Kabataan, Tara Na sa Crime Prevention, Kaisa Ka”sa Silay City, Negros Occidental nito lamang ika-11 ng Setyembre, 2024 bandang alas 2:00 ng hapon.

Ito ay pinangunahan ng mga tauhan ng Silay City Police Station sa pamumuno ni PLTCOL Mark Anthony D Darroca, Chief of Police.

Nakiisa sa makabuluhang okasyon ni Silay City Vice Mayor Thomas Maynard Ledesma at Salvacion J. Senayo, OIC, Assistant School Division Superintendent ng DepEd Silay, na nagsilbing mga panauhing pandangal at tagapagsalita. Sa kanilang mga talumpati, binigyang-pansin nila ang mahalagang tungkulin ng bawat mamamayan, lalo na ng mga kabataan, sa pagsugpo ng krimen.

Pangunahing iitinampok sa selebrasyon ang aktibong pakikilahok ng mga Force Multipliers mula sa iba’t ibang organisasyon tulad ng RSOG (Regional Special Operations Group) at SINAG, na naging katuwang ng kapulisan sa pagpapanatili ng kapayapaan sa komunidad.

Ang presensya ng mga force multipliers ay nagsilbing patunay na ang crime prevention ay hindi lamang responsibilidad ng iilang sektor, kundi isang kolektibong aksyon ng buong komunidad.

Maliban sa mga force multipliers, nakiisa rin ang mga kinatawan mula sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), Bureau of Fire Protection (BFP), at Ugyon Silay Mixed Riders Club, gayundin ang mga opisyal ng barangay.

Ang pagsasama-sama ng iba’t ibang grupo sa iisang adhikain ay nagpapakita ng kanilang dedikasyon sa kaligtasan ng lungsod at ito ay isang patunay na ang pag-iwas sa krimen ay isang sama-samang responsibilidad.

Sa patuloy na pagtutulungan ng komunidad at mga tagapagpatupad ng batas ay tiyak na makakamit ang mas ligtas at mapayapang bagong pilipinas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *