Makabuluhang Talakayan, ibinahagi sa mga mag-aaral sa Aurora

Nakibahagi ang mga mag-aaral ng Carmen T Valenzuela Integrated School sa makabuluhang talakayan na isinagawa ng Aurora PNP patungkol sa Anti-Criminality Safety Tips, Anti-Illegal Drugs, at PNP Recruitment sa pagdiriwang ng Career Guidance Week nito lamang ika-13 ng Setyembre, 2024.

Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ng mga tauhan ng Baler Police Station na pinamumunuan ni PSMS Alice V Mapindan, WCPD PNCO, sa ilalim ng superbisyon ni Police Major Eduardo S Mendoza Jr., Chief of Police ng nasabing istasyon.

Tinalakay dito ang iba’t ibang paraan upang mapanatiling ligtas ang sarili mula sa kriminalidad at ilegal na droga. Inilatag din nila ang mga oportunidad sa pagpasok sa serbisyo ng pulisya, at kung paano magiging bahagi ng Philippine National Police (PNP).

Binigyang importansya ng mga awtoridad ang kahalagahan ng kaalaman at tamang desisyon sa pagpili ng karera upang makatulong sa komunidad.

Sa pagtatapos ng programa, binigyang-diin ng Baler Police Station na sa ilalim ng Bagong Pilipinas, ang mithiin ng PNP ay ang magbigay ng kaligtasan sa bawat mamamayan.

Hinimok nila ang mga kabataan na maging aktibong bahagi ng pag-unlad ng bansa sa pamamagitan ng pag-iwas sa krimen at droga, at pagpasok sa serbisyo ng pulisya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *