Gender Awareness Lecture nilahukan ng mga estudyante
Patuloy ang pag-arangkada ng Gender Awareness Lecture ng mga tauhan ng Matalam Municipal Police Station at nilahukan ng mga estudyante ng Marbel High School sa Brgy. Marbel, Matalam, North Cotabato nito lamang Lunes, ika-15 ng Setyembre 2024.
Naging matagumpay ang aktibidad sa inisyatibo ng Gender and Development Office ng Matalam katuwang ang Matalam Municipal Police Station.
Binigyan ng kaalaman ang mga estudyante patungkol Gender Awareness, sa kanilang Safe Spaces Act, ang probisyon, kahalagahan ng batas at pamamahagi ng brochure ng Republic Act 11313.
Nilalayon ng aktibidad na ito na maturuan at mabigyan ng kaalaman ang mga estudyante at dagdagan ang kanilang kamalayan sa mga nagaganap sa komunidad upang suportahan ang Gender Sensitivity at kondenahin ang pang-aabuso sa mga kabataan.