Tree Planting Activity, sanib pwersang isinagawa ng PNP at Advocacy Group
Masiglang nagkaisa ang mga huwarang kapulisan ng rehiyon dos at barangay officials kasama ang environmental officer sa isang bayanihan para sa kalikasan na isinagawa nito lamang ika-18 ng Setyembre 2024 sa Brgy., Sangbay, Nagtipunan, Quirino.
Ang aktibidad ay pinangunahan ng mga tauhan ng 2nd Quirino Provincial Mobile Force Company, Quirino Police Provincial Office, kasama ang CENRO., opisyales ng barangay at mga residente nito. Umabot naman sa isang daan limampung (150) bamboo rootstalk, limampung (50) Tuai tree at limampung (50) Molave tree ang naitanim sa Sangbay Riverside.
Ito ay kaugnay sa Philippine Bamboo Month Celebration na may temang: “Buhay-Kawayan: Haligi ng Industriya’t Kalikasan, Pag-asa sa Kinabukasan” na naglalayong protektahan ang kapaligiran, protektahan ang Bundok Seirra Madre, protektahan ang ecosystem at upang mabawasan ang global pag-init at pagbabago ng klima.
Ito ay mahalagang hakbang tungo sa pangangalaga ng kalikasan at kalusugan ng ating komunidad.
Hindi lamang ito nagdudulot ng positibong epekto sa ating kapaligiran, kundi ito rin ay nagbubuklod sa mga tao upang magtulungan para sa isang mas maayos at masiglang pamayanan tungo sa Bagong Pilipinas.