BPATs Enhancement Training, isinagawa sa Zamboanga Sibugay
Ang aktibidad ay inisyatibo ng Payao Municipal Police Station na pinamunuan ni Police Captain Herbert V Palicte, Officer-In-Charge, ang Enhancement Training para sa mga Barangay Peace-keeping Action Team (BPATs) kasama ang mga Brgy officials na ginanap sa Barangay San Vicente, Payao, Zamboanga Sibugay noong Huwebes ika-19 ng Setyembre 2024 bandang 9:00 ng umaga.
Ang mga BPATs ay nakilahok sa mga scenario-based exercises upang isabuhay ang mga tunay na hamon sa seguridad lalo na sa Barangay Tanod bilang First Responder, Pangangalaga at Proteksyon ng Crime Scene, Pamamahala sa Krisis, Pagsulat ng Incident Report at Human-rights based approach sa Barangay Peace Keeping.
Ang ganitong mga pagsasanay ay patunay ng kahalagahan ng pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa mga barangay.
Ang patuloy na pag-unlad at pagsasanay ng BPATs ay mahalaga sa pagkakaroon ng ligtas at maayos na komunidad.