Peace and Order Situation tinalakay sa isinagawang General PTA Assembly Meeting sa Digos City National High School

Tinalakay ni Police Lieutenant Reynante A Gallanta, CCAD Officer ng Digos City Police Station, ang Peace and Order Situation sa isinagawang General Parent-Teacher Association(PTA) General Assembly nitong Setyembre 21, 2024 sa Digos City National High School.

Ang aktibong pakikinig ng mga magulang ng mga mag-aaral ng naturang paaralan ay isang malaking hakbang sa paglaban sa krimen at pagpapanatili ng kaayusan sa ating komunidad. Dagdag pa, maliban sa Peace and Order Situation ay naging partikular rin si Lieutenant Gallanta sa kasalukuyang estado ng kaligtasan ng mga mag-aaral kung kaya naman ay binigyang-diin din niya ang mga crime prevention tips upang matiyak na ang mga magulang ay may sapak na kaalaman upang maiiwas ang kanilang mga anak sa paggawa ng krimen at sa pagiging biktima ng krimen.

Sa ilalim ng pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Florante S Retes, Chief of Police ng Digos City Police Station, patuloy pang makikipag-ugnayan ang naturang estasyon sa iba’t-ibang pampubliko at pribadong sektor upang mapa-igting ang proaktibong laban kotra kriminalidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *