Community-Based Drug Rehabilitation Program 2024, isinagawa sa Basilan
Isinagawa ang Community-Based Drug Rehabilitation Program 2024 sa Barangay Maligaya, Lamitan City, Basilan nito lamang ika-20 ng Setyembre 2024.
Pinangunahan ng City Government ng naturang lugar ang aktibidad katuwang ang City Anti-Drug Abuse Council at City Health Office na may koordinasyon sa Philippine Drug Enforcement Agency – Basilan Province, Lamitan Municipal Police Station, City Social Welfare and Development Office, Municipal Interior and Local Government, Religious Sector. Ang aktibidad na ito ay naglalayong ng rehabilitasyon at reintegrasyon ng mga nalulong sa droga sa koordinasyon ng kapulisan para sa ligtas, malinis, at progresibong lipunan.