Counseling Session, nilahukan ng Brgy Drug surrenderers sa Pandacan, Maynila
Aktibong nilahukan ng mga Barangay Drug surrenderers ang counseling session sa ilalim ng Community Based Drug Rehabilitation Program sa Barangay 833 Zone 91 Dist VI, Pandacan , Maynila nito lamang Linggo, Setyembre 29, 2024.
Pinangunahan ni Pastor Domingo Riva, Spiritual Adviser ang aktibidad katuwang ang ang mga tauhan ng Padcan Police Station ng Manila Police District. Ito ay dinaluhan ng 13 na surrenderers na gustong maibalik sa normal ang kanilang mga pamumuhay.
Naglalayon ang programang ito ng gobyerno na bigyan ng isa pang pagkakataon ang mga taong nalihis ng landas para sa mas maunlad na pamumuhay na malayo sa mga ilegal na aktibidad.