Buwanang pagpupulong ng BADAC at BPOC, isinagawa sa GenSan

Matagumpay na naisagawa ang buwanang pagpupulong ng BADAC, BPOC at BPATs na dinaluhan din ng Regional Police Community Affairs and Development Unit 12 sa Barangay Tambler, General Santos City nito lamang ika-30 ng Setyembre 2024.

Nakiisa sa pagpupulong si Police Lieutenant Romeo T Sumalinog, Chief ICD & CAS ng RPCADU 12. Dumalo din ang mga opisyales ng barangay at mga miyembro ng Barangay Peacekeeping and Action Team.

Layunin ng pagpupulong na ito na mailatag ang mga plano at paraan para sa mapanatili ang kaayusan at katahimikan sa barangay.

Ito rin ay naglalayong magkaroon ng buong suporta ang mga miyembro sa pagpababa ng krimen kontra ilegal na droga at iba pang kriminalidad sa barangay.

Sa huli, hinihikayat ang mga dumalo na patuloy na makipagtulungan sa mga kapulisan sa pagpapanatili ng kaayusan para sa mas maayos at ligtas na komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *