Advocacy Support Group, nakiisa sa Clean-up Drive

La Union – Nakiisa sa Clean-up Drive ang Advocacy Support Groups sa Brgy. Casantaan, Santo Tomas, La Union nito lamang Huwebes, ika-16 ng Pebrero 2023.

Ang naturang aktibidad ay dinaluhan ng Advocacy Support Groups, Force Multipliers Barangay-Based, Kabataan Kontra Droga At Terorismo, Women katuwang ang Santo Tomas PNP na pinamumunuan ni Police Major Gerardo V Manzano, Chief of Police ng Santo Tomas Municipal Police Station.

Layunin ng naturang aktibidad na itaguyod ang kultura ng kalinisan, pagkakaisa at disiplina na makakapagbigay ng malusog, ligtas at maayos na kapaligiran para sa ikabubuti ng ating mamamayan.

Hinikayat ng lahat ng dumalo ang mga mamamayan ng naturang bayan na patuloy na pangalagaan at protektahan ang kalikasan upang mapanatili ang kalinisan, kagandahan at kaayusan ng ating kapaligiran.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *