Force Multipliers, nakilahok sa Mangrove Planting Activity ng Barili PNP

Aktibong nakilahok ang mga Force Multipliers sa Mangrove Planting Activity ng Barili Municipal Police Station sa Brgy. Guibuangan, Barili, Cebu, noong  Biyernes, Pebrero 17, 2023.

Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Captain Crisanto Arregalo sa direktang pangangasiwa ni Police Major Janus Giangan, Officer-In-Charge, katuwang ang mga miyembro ng Force Multipliers at maging ng mga residente at opisyales ng nabanggit na barangay.

Sa naturang aktibidad ay nakapagtanim ang grupo ng nasa mahigit 500 piraso ng halamang mangrove sa lugar.

Bahagi ang aktibidad sa mga programa na isinusulong ng grupo upang mapangalagaan ang kalikasan at matiyak ang kaayusan at kaligtasan ng bawat buhay na nananangan dito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *