Congress Outdoors 18th Anniversary Outreach Program isinagawa sa Tanay

Nagsagawa ng 2-day Outreach Program ang mga kawani ng Kongreso bilang bahagi ng kanilang ika-18 Congress Outdoor Anniversary na may temang “Feb-Ibig para sa nga batang Tanay” sa Barangay Cuyambay Elementary School, Barangay Cuyambay, Tanay, Rizal nito lamang Biyernes at Sabado, Pebrero 17-18, 2023.

Ang aktibidad ay pinangunahan ni Nap Vizcarra Osario, President katuwang ang mga kawani ng Brgy. Cuyambay, Force Multipliers sa pamumuno ni Brgy. Captain Reynaldo Dela Sada.

Namahagi ang grupo ng mga tsinelas, school supplies, Jollibee food packs at water tumblers sa tinatayang 50 estudyante.

Hindi naman mapantayan ang ngiti at tuwa ng mga estudyante sa mga palaro na inihanda para sa kanila.

Layunin ng aktibidad na ipakita sa bata ang tunay na halaga ng pagtutulungan at pagdadamayan upang manatiling maayos at maunlad ang komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *