Mural Painting isinagawa ng KKDAT-San Antonio Chapter

Nagkaisa ang mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo ng San Antonio Chapter sa isinagawang Mural Painting sa Brgy. San Nicolas, San Antonio, Zambales nito lamang Biyernes, ika-17 ng Pebrero 2023.

Katuwang sa aktibidad ang mga tauhan ng San Antonio PNP at mga opisyal ng naturang barangay.

Ang tema ng kanilang pagpipintura sa pader ay kaugnay sa Drug Reduction Campaign ng Department of Interior and Local Government Program na BIDA o “Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan” na kung saan pinapakita sa kanilang obra ang panghihikayat sa mga mamamayan na iwasan ang anumang uri ng ipinagbabawal na gamot.

Patuloy ang pagkakaisa ng mamamayan at PNP upang masugpo at mabawasan ang droga sa lipunan na walang ibang hatid kundi pagkasira ng magandang kinabukasan ng ating mga kabataan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *