KKDAT Tacloban, nakilahok sa isinagawang Launching at Commitment Signing ng SNHS Project P.E.A.R.L
Nakilahok ang Kabataan Kontra Droga at Terorismo Tacloban Chapter sa isinagawang Launching at Commitment Signing ng SNHS Project P.E.A.R.L sa Sagkahan National High School, Tacloban City noong Pebrero 17, 2023.
Pinangunahan ni Peter Julian Barrantes, KKDAT Tacloban Chapter President kasama ang tauhan ng Tacloban City Police Office, Religious Sector at mga stakeholders.
Ang aktibidad ay itinampok sa pamamagitan ng Commitment Signing at pledge of support sa launching ng Project P.E.A.R.L na ang ibig sabihin ay Peace, Education, Aspiration, Respect at Love.
Alinsunod din sa pagpapalakas ng adbokasiya at kamalayan ng pamahalaan bilang suporta sa EO 70. S, 2018- Whole of Nation Approach.
Ang KKDAT ay patuloy na susuporta sa pamahalaan sa pagtataguyod ng kamalayan at pagtugon sa kahalagahan ng mga kabataan sa Nation Building sa pamamagitan ng pagtuturo at pagbibigay kapangyarihan sa kanila na maging proactive partners sa kampanya laban sa kriminalidad at terorismo.