Force Multipliers, nakiisa sa Community Outreach Program sa Bohol

Masugid na nakiisa ang mga miyembro ng Force Multipliers sa isinagawang Community Outreach Program para sa mga Senior Citizen ng Barangay Cogon, Lila, Bohol nito lamang Biyernes, Pebrero 17, 2023.

Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ng mga tauhan ng Lila Police Station sa pangunguna ni Police Captain Elver A Divinagracia, Officer-In-Charge ng naturang istasyon katuwang ang Alpha Kappa Rho Fraternity and Sorority, Faith-based Leaders at Barangay Officials ng lugar.

Sa naturang aktibidad ay namahagi ang grupo ng mga nutritional snack, hygiene kits, IEC Materials at kaalaman patungkol sa Anti-illegal Drugs at Anti-Terrorism Awareness.

Ang naging hakbang ng mga naturang grupo ay nagpapakita ng dedikasyon sa pagsulong ng kaginhawaan at ikakasaya ng mamamayan bilang katuwang ng PNP sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaunlaran ng bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *