Advocacy Support Group at Force Multipliers, aktibong nakilahok sa Tree Planting Activity sa Negros Occidental
Aktibong nakilahok ang mga miyembro ng Advocacy Support Group at Force Multipliers sa isinagawang tree planting activity na ginanap sa Sitio Guintubdan, Barangay Ara-al, La Carlota City, Negros Occidental nito lamang ika-21 ng Pebrero 2023.
Ang aktibidad ay inisyatiba ng 2nd Negros Occidental Provincial Mobile Force Company na nilahukan din ng La Carlota City Police Station, 604 Company RMFB, SAF, City Environment and Natural Resources Management Office, Stakeholders, mga miyembro ng KALIGKASAN at iba pang mga volunteers.
Sa naturang aktibidad ay matagumpay na nakapagtanim ang mga grupo ng mahigit 200 puno sa nasabing lugar.
Layunin ng mga grupo na protektahan ang ating kalikasan at ipamalas ang kahalagahan ng pagtatanim at pag-iingat ng mga puno, ipahayag ang pagmamalasakit sa kapaligiran at maiwasan ang pagbaha at pagguho ng lupa at maibsan ang epekto ng climate change.