Zumba Activity, isinagawa ng Advocacy Support Group sa Magsingal, Ilocos Sur

Nagsagawa ng Zumba Activity ang Advocacy Support Group sa Brgy. Labut, Magsingal, Ilocos Sur nito lamang Martes, ika-21 ng Pebrero 2023.

Aktibong nakilahok sa nasabing aktibidad ay ang mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT), Women’s Advocacy Support Group, Barangay Advocacy Support Group, Barangay Officials, BFP, MAC Dancers katuwang ang Ilocos Sur Police Provincial Office na pinamumunuan ni Police Colonel Marlo A Castillo, Provincial Director.

Layunin ng aktibidad na ipakita sa mamamayan na ang magandang pangangatawan ay mahalaga upang makaiwas sa anumang sakit.

Samantala, patuloy naman ang grupo sa paghihikayat sa mga kabataan at ibang sektor ng lipunan na suportahan ang mga makabuluhang aktibidad para sa kabutihan ng lahat.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *