Barangay Based Advocacy Support Group, nagsagawa ng Tree Planting Activity sa Alilem, Ilocos Sur

Nagsagawa ng Tree Planting Activity ang Barangay Based Advocacy Support Group sa Sitio Palasipas, Brgy. Dalawa, Alilem,Ilocos Sur nito lamang Miyerkules, ika-22 ng Pebrero 2023.

Katuwang ng grupo sa nasabing aktibidad ang Alilem PNP na pinapangunahan ni Police Captain Rovic R. Nelmida, Officer-in-Charge.

Layunin ng aktibidad na ipamalas ang kahalagahan ng pagtatanim at pag-iingat ng mga puno, pati na rin ang pagmamahal sa komunidad at kamalayan sa climate change.

Patuloy ang nasabing grupo sa pakikipagtulungan sa iba’t ibang organisasyon sa pagsasagawa ng mga aktibidad na may kinalaman sa pag-aalaga at pagpapaganda ng kalikasan nang sa gayon ay mapakinabangan pa ito ng susunod na mga henerasyon.

Source: Alilem Municipal Police Station

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *