Community Outreach Feeding Program naisakatuparan sa tulong ng mga Brgy. Officials at Force Multipliers
Nagbigay saya ang mga miyembro ng Barangay Force Multipliers sa community outreach feeding program na ginanap sa Isla Compound, Brgy. Batis, San Juan City nito lamang Sabado, Pebrero 25, 2023.
Ang aktibidad ay naging matagumpay sa tulong nina G. James Lagasca, Gng. Jerica Pamplona na Brgy. Treasurer ng Batis, mga opisyales ng Isla at mga Force Multipliers katuwang ang Station Community Affairs Development Section (SCADS) sa pamumuno ni Police Colonel Francis Allan M Reglos, Acting Chief of Police ng San Juan City Police Station.
Namahagi ang grupo at pulisya ng mainit na lugaw sa mga kabataan at namigay din ng sila ng 75 food packs at Vitamin C (Ascorbic Acid) sa mga napiling benepisyaryo ng nasabing aktibidad.
Bukod dito, nagkaroon din ng awareness lecture sa RA 11313 Safe Space Act/Bawal-Bastos Law, Anti-Illegal Drugs, at E.O. 70 National Task Force- End Local Communist in Armed Conflict (NTF-ELCAC).
Naglalayon ang aktibidad na ipadama ang malasakit sa bawat isa at bigyan ng kaalaman ang mga mamamayan sa adbokasiya ng grupo para sa mapayapang ika-37 Anibersaryo ng EDSA People Power Revolution.