Coastal Clean-up Drive, nilahukan ng Bugto KKDAT member sa Northern Samar

Nakilahok ang mga miyembro ng Bugto KKDAT sa isinagawang Coastal Clean-up Drive sa Brgy. Chitongco, Malobaroc Beach, Mondragon, Northern Samar nito lamang araw ng Huwebes ika-23 ng Pebrero 2023.

Naging maayos at malinis ang naturang lugar sa pagsasagawa ng nasabing aktibidad ng mga miyembro ng Bugto KKDAT kasama ang SINAG NG HILAGA Youth Organization at mga tauhan ng 1st Northern Samar Provincial Mobile Force Company.

Nagbigay pasasalamat naman ang mga residente sa nasabing lugar sa pagbibigay halaga sa kalinisan at kapakanan ng kanilang lugar na kanilang pinagkukunan ng pangkabuhayan.

Layunin ng nasabing aktibidad na mapangalagaan ang kapaligiran maging ang karagatan upang maiwasan ang posibleng trahedya na dala ng kalamidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *