Outreach Program inilunsad ng CSWDO sa Davao City

Naglunsad ng outreach program ang mga kawani ng City Social Work Development Office (CSWDO) katuwang ang mga tauhan ng Revitalized Pulis Sa Barangay (R-PSB Team Marilog Sub-Cluster 1 sa Sitio Patag, Brgy. Datu Salumay, Marilog District, Davao City nito lamang Pebrero 23, 2023.

Tinungo ng mga tauhan ng CSWDO sa pangunguna ni Ms Magnolia Fernandez, CSWDO representative ang mga residente ng nasabing lugar upang ibahagi ang munting tulong gaya ng kitchen utensils, food packs, mga damit, tsinelas at mga laruan para sa mga bata.

Labis namang ikinatuwa ng mga residente ang isinagawang aktibidad sa tulong ng R-PSB sa pamumuno ni Police Lieutenant Bernard Blair D Capitan, R-PSB Marilog Overall Supervisor, at Philippine Army na tumulong sa pagbibigay ng mga nasabing food packs at nagbigay seguridad sa lahat ng dumalo.

Ang aktibidad ay naglalayong palawigin pa ang pagbibigay tulong sa mga kababayan nating nangangailangan at maipakita na buo ang suporta ng pamahalaan sa pagbibigay tulong lalo na sa Geographically Isolated and Disadvantages Areas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *